Matupok man ng apoy at maabo man ang ilang bahagi ng komunidad, patuloy pa rin ang pagbabaga ng damdamin ng mga residente upang magmulat, mag-organisa, at makibaka sa kanilang tanging yaman — ang komunidad ng Sitio Silangan.
Dahas ang paraan ng mga pangangamkam sa lupa ng Sitio Silangan. Mula sa intensyonal na pagsunog, demolisyon, at pagpataw ng mga gawa-gawang kaso, ilang taon nang ginigipit ang mga mamamayan ng nasabing lugar.
Paglalakbay title=AP6 style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRL22CyoRv0YlSX5sI4eUZoUwqrDXi7G5Isf7FYHnLlNP_LBS11Y82QIeMwDAgddV5IUMA&usqp=CAU'; />
Mula sa lungsod ng Bacoor sa Cavite, binubuo ang Sitio Silangan ng dalawang barangay: Talaba VII at Niog I. Bahagi ito ng Lupang Cuenca, ang 97-ektaryang lupain na saklaw ng Hacienda de Imus. Kung uugatin ang kasaysayan nito, ang Lupang Cuenca ay kinamkam ng mga prayleng Kastila mula sa mga ninunong Pilipino na siyang naging isa sa dahilan ng Rebolusyong 1896. Nang dumating naman ang mga mananakop na Amerikano, naging kolonisado ang mga lupa kung kaya’t napunta sa pamilyang Cuenca ang lupa ng Sitio Silangan.
Balita Silyabalita Silyabalita Silyabalita Silyab
Mula nang napasakamay ng mga mayayamang pamilya at korporasyon ang Sitio Silangan, hindi na natapos ang usaping legal sa pagmamay-ari ng nasabing lupa. Taong 2019 nang naging bahagi ang Sitio Silangan sa ilalim ng Comprehensive Land Use Plan (CLUP) sa lungsod ng Bacoor. Layunin ng CLUP na gawing “
“… Noong mga nakaraang sunog … parang natural lang, kumbaga aksidente. Kaso itong 2019 [na sunog], kapansin-pansin ang biglang panghihimasok.”, wika ni Kuya Bong.
Ayon sa mga residente ng Brgy. Talaba VII, tila naging planado ang nangyaring sunog noong 2019, dahil matapos ang “insidente”, pilit pinalalayas ang mga mamamayan ng Sitio Silangan.
Bangon Sa Pagkakabusabos
Ng Proteger Security Agency, sa kabila ng kawalan ng pahintulot. Dagdag pa rito, kabi-kabilang pag-atake ang naranasan ng mga residente sa porma ng
Matapos ang pagsunog, dumating ang di umano’y “pinansyal na ayuda” na nagkakahalagang P40, 000 kada pinto ng bahay. Ayon sa kwento ng mga residente, pinapirma lamang sila nang hindi nababasa ang dokumento. Ngunit ang inaakalang ayuda ay kasinungalingan lamang – ang dokumento ay isang
Kung saan pinapawalang-bisa ang karapatan ng mga residente sa kanilang lupa. Sa madaling salita, ibinaba sa halagang P40, 000 ang karapatan ng mga residente sa lupang matagal na nilang tinitirikan.
Taliba Ng Maralita: Taliba Isyu 38
Sa kabila ng mga atakeng ito, kibit-balikat ang pamilya Revilla na kilala bilang prominenteng dinastiya sa lungsod ng Bacoor. Taong 2007 hanggang 2016 at kasalukuyang namumuno bilang alkalde ng Bacoor si Strike Revilla; samantala, taong 2016 hanggang 2022 naman namuno si Lani-Mercado Revilla. Sa dekadang pag-upo ng mga Revilla sa Bacoor, hindi man lamang binigyang-pansin ng mga ito ang kalagayan ng Sitio Silangan.
Hanggang kasalukuyan, tila itinatago pa rin sa mga mamamayan ng Sitio Silangan kung sino ang nasa likod ng kasahulang ito. Hinala ng mga residente, gumagamit lamang ang mga malalaking korporasyon ng “representative” upang sila ay palayasin. Dalawang pangalan at korporasyon ang isinapubliko: Ana Marie Pagtakhan ng B.E. San Diego, Inc. at Amy Gawaran ng JSGHM 88888, Inc.
Ng CBC Asia Technozone – isang korporasyon na katabi lamang ng Talaba VII na siyang humahawak sa mga kompanya ng Business Process Outsourcing
Ang Mga Kagilagilalas Na Pakikibaka Ng Mga Maalindog Na Mandirigma Ng Shanara!: Segue 3
Hanggang ngayon, malabo pa rin ang mga detalye kung sino ang tao sa likod ng pag-atake sa mga residente ng Sitio Silangan. Ngunit may isang bagay na malinaw: Ang Sitio Silangan ay nilinang at pagmamay-ari ng mga residenteng dekada nang naninirahan dito, at walang sinuman ang maaaring yumurak sa kanilang karapatan.
“Natatakot, syempre, dahil may pamilya ako. Pero parati ko ngang sinasabi sa kanila na hindi lang sila ang meron ako. Meron din akong komunidad na kailangang protektahan.”
Sa mga kwentong naibahagi ni Kuya Bong habang kami ay nasa kanyang munting tahanan, ang mga salitang ito ang pumukaw sa aming damdamin. Bakas sa kanyang mga salita ang tapang at kanyang pagmamahal sa Sitio Silangan.
Kilalanin Si Joy Arcilla At Kwento Ng Kanyang Pakikibaka Laban Sa Cancer
Mahigit isang dekada nang naninirahan si Kuya Bong sa Talaba VII, at mula noon hanggang ngayon, isa siyang aktibong miyembro ng Bagong Silangan – isang organisasyong binuo ng mga nagkakaisang mamamayan ng Sitio Silangan.
, hindi maipagkakaila ang karahasan na kanilang naranasan sa kamay ng mga gahamang tao sa likod ng pagsunog at demolisyon. Ibinahagi rin ni Kuya Bong ang kanyang personal na karanasan sa karahasan ng mga pilit nagpapalayas sa kanila. Ngunit sa kabila ng ganitong mga atake, nanatiling matatag at kasing-tayog ng CBC Asia Technozone si Kuya Bong at ang mga residente ng Talaba VII.
Dagdag pa ni Kuya Bong, bahagi siya ng mga manggagawang bumuo ng CBC Asia Technozone. “Kami ang nagbuo niyan, tapos sa amin din pala ‘yung bagsak niyan. Halos dalawang taon ako diyan. Tapos noong bandang huli, ‘yan din pala ang magpapalayas sa amin.”
Pdf) Mula Sa Kangkungan: Mga Jokes, Tula, At Awitin Ng Pakikibaka Laban Sa Panguluhan Ni Joseph Estrada
Dama ang pait sa mga salitang kanyang binitawan, nang maibahagi na ang gusaling kanyang binuo ay ang parehong gusali na gigiba sa kanilang komunidad. Taong 2019 nang matapos ang pagpapatayo ng nasabing korporasyon – kaparehong taon ng pagsunog sa Sitio Silangan.
Ang kwento ni Kuya Bong ay hindi nalalayo sa mga balitang nailimbag tungkol sa Sitio Silangan. Ngunit mula sa lente ng isang residente, mas dama ang mga nagliliyab na emosyon ng tapang para protektahan ang komunidad.
Bakas sa mga mata ni Kuya Bong ang kanyang masidhing pagmamahal sa komunidad at sa mga tao nito. Ngunit hindi niya kayang protektahan ang kanilang komunidad nang mag-isa – kailangan niya ng tulong mula sa mga tao rito upang sama-samang tumindig at makibaka.
Sa Rimarim Ng Karahasan. Namumugto At Nangangatog Ang Binti Ng…
“Malaki ang naging epekto nito [pag-oorganisa] … kasi nakakabawas ito ng takot ng mga tao dahil alam nilang tumitindig ay hindi lang iisa, [kundi] marami.”
Sa pamamagitan ng malawakang paghahamig sa kanilang komunidad tungkol sa pang-aabusong ginagawa ng mga korporasyon at ng mga taong nasa posisyon na nais kumamkam ng kanilang lupa, lumawak ang kanilang hanay na tumitindig laban dito. Ang kanilang kolektibong pagtindig ay nagbunga ng samut-saring mga hakbangin para tutulan at harangan ang mga pag-atake ng mga ganid sa kanilang komunidad.
– isang boluntaryong gawain ng mga tao sa komunidad tuwing gabi upang bantayan ang mga taong nagtatangka na manunog muli ng mga kabahayan. Higit pa sa pagbabantay sa kanilang komunidad, dama rin ang kanilang bayanihan at pagtutulungan. Isa sa manipestasyon nito ang kanilang
Shapa מכבי שרותי בריאות
Sa usaping pag-oorganisa, nabanggit ni Kuya Bong ang malaking kontribusyon ni Ka Manny Asuncion, dating tagapagsalita ng BAYAN Cavite, na nagsilbing haligi nila sa pakikipaglaban sa kanilang komunidad. Aktibong nakipaglaban si Ka Manny kasama ang mga taga-Sitio Silangan at naging parte ng pagkatatag ng Bagong Silangan noong kasagsagan ng demolisyon.
Kabahagi din si Ka Manny at ang BAYAN Cavite sa pakikipag-dayalogo sa mga residente hinggil sa kahalagahan ng kanilang mga tirahan kontra sa alok na pera ng B.E. San Diego.
“Napakalaki ng naiambag ni Manny sa laban ng Sitio Silangan.”, ani ni Kuya Bong – kung kaya’t hindi maitatago ang hinagpis ng mga taga-Sitio Silangan nang walang habas na paslangin si Ka Manny noong Bloody Sunday. (Basahin: 5 patay, 7 arestado matapos ang ‘Bloody Sunday’ sa Timog Katagalugan)
Paggalugad Ang Tunay Na Lumikha Ng Hispanic Heritage Month Isang Taon Pagkatapos Ng Kanyang Kamatayan
Sa tulong ni Ka Manny at mga miyembro ng Bagong Silangan, nagkaroon ng karamay at lakas ang mga residente ng Sitio Silangan na ipagpatuloy ang kanilang laban para sa komunidad. Bunga ng kolektibong pagtindig, namobilisa nila ang mga residente upang ipaglaban ang komunidad na nagsilbi nilang kanlungan.
Tatlong taon na ang nakalipas, malawak na ang natupok ng mga taong nais agawin ang kanilang komunidad, marami ng dugo at pawis ang naibuhos – subalit di pa rin natitinag si Kuya Bong at ang kanyang hanay sa Sitio Silangan. Araw-araw silang patuloy na nakikibaka laban sa mga nagtatangkang abuhin at gibain ang kanilang komunidad. Tulad ng apoy, lalo lamang silang umaalab at lumalawak para ipagpatuloy ang kanilang sinimulang laban sa lugar na kanilang yaman, kanlungan, at tahanan. [P]