Ang kuwento ng paglalakbay ni Jesus ay kuwentong naglalahad ng kanyang hamon. Ang ipagpatuloy ang nasimulan niyang paglalakbay tungo sa kinabukasang may pag-asa. Kung paanong tinahak nito ang mga mabato at baku-bakong daanan upang maabot ang lahat. Gayon din naman ay maglakbay tayo ngayon upang dalawin ang mga pangyayari at dako na nagsilbing bukal ng tanglaw at balon ng mga dakila. Sa kanyang paglalakad nakakatagpo niya ang mga api at aba, ang mga namamalimos, mga bulag at pilay, mga may karamdaman, at maging ang mga mayayaman at may pangalan sa lipunan. Nakakasama sa kanyang paglalakbay ang mga katulad ng babaeng balo at dinudugo. Naging kaibigan niya ang mga nawawalan na ng pag-asa dahil sa kahirapan. Si Jesus ay nananatiling malapit sa lupa at sa mga anak ng lupa. Nararamdaman niya ang init sa ilalim ng araw at ang lamig sa ilalim buwan. Alam niya kung paano at kailan natutuyo ang damo. Alam nito kung saan ang mabatong lupa, kung ano ang lupang nababalutan ng matitinik na damo. Kabisado niya ang punong hindi namumunga, ang mga bulaklak sa kaparangan, at alam niya ang sinasabing matabang lupa. Marami siyang naging kaibigang dulot ng mayamang pagsasama at pasasalo ng mga makabuluhang karanasan. Natututo mula rito at nagiging instrumento sa kanyang pagtuturo. Malinaw niyang naipapahayag na ang Diyos Manlilikha ay parehong Diyos na nagsugo sa kanya.
Tahimik na nakatayo si Jesus sa harapan ni Pilato. Hindi mababakas ang pagnanais na ipagtanggol ang sarili laban sa maraming habla sa kanya. Ang tanong ni Pilato sa kanya, “Ano ba ang ginawa mo?”Sumagot si Jesus, “Ito ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at naparito sa sanlibutan: upang magsalita tungkol sa katotohanan. Nakikinig sa aking tinig ang sinumang nasa katotohanan” (Juan 18:35-38).Ang katotohanan na sinasabi ni Jesus ay hindi isang pagpapaliwanag intelektwal lamang patungkol sa reyalidad. Ito ay patungkol sa buhay na kaugnay sa kanya at sa Amang nagsugo.Ang katotohanang ito ay hindi kayang unawain ng mga taong walang ugnayan sa kanya, na natali sa makasariling interes at kagalingan gaya ni Pilato.
Sa pakikipagkaisa kay Jesus, maririnig natin ang tinig ng Espiritu, at makakapaglakbay tayo ng malayo at malawak, bilanggo man tayo o malaya.Sapagkat ang tunay na pagiging bahagi ay nagkakaloob sa atin ng kalayaang di kayang lupigin ng kapangyarihan ng kadiliman. Pinaratangan man si Jesus ni Pilato at itinuring na kriminal, ngunit kahit kailan ay hindi natinag ang pagka-Panginoon. Ang kamatayan ni Jesus ay hindi kailanman naging kapahayagan ng kaparusahan sa kanya. Kundi ito’y naging daan upang maihayag ang buong katotohanan na nagtataguyod ng ganap na kalayaan. Nariyan ang panunupil ng mundo na hindi maiiwasan. Hindi dapat iwasan dahil ito ang dahilan ng ating pag-iral sa mundong ito. Ang sabi pa ni Jesus, “Mapalad ang mga pinag-uusig dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian” (Mateo 5:10).
Filipino Grade 10 Module Unit 3
Ipinahagupit ni Pilato si Jesus. Siya ay dinala ng mga kawal ng gobernador sa pretoryo, at nagkatipon ang buong batalyon sa paligid niya. Hinubaran nila si Jesus at sinuutan ng isang balabal na pulang-pula. Naglikaw sila ng halamang matinik at ipinutong sa kanya, saka pinapaghawak ng isang tambo sa kanyang kanang kamay. At palibak siyang niluhud-luhuran at binati.“Mabuhay ang Hari ng mga Judio!”Siya’y pinagluhuran, kinuha nila ang tambo at siya’y pinaghahampas sa ulo. At matapos kutyain, kanilang inalisan ng balabal, sinuutan ng sariling damit, at inilabas upang ipako sa krus (Mateo 27:28-31).
Dinaanan ni Jesus ang lahat ng pahirap. Naging biktima ng mapanupil na estado at imperyo. Ngunit ang biktimang ito ang bubuhay ng lakas at alab sa mga katulad niya ring biktima. Ang paghihirap at kamatayan ni Jesus ay hudyat ng maraming Cristong babangon. Sapagkat alam niya na ang alab ang pinakabuhay.Silang mga biktima ng pagkagaham kaya’t nagugutom, silang mga biktima ng pandudukot at pagkawala, silang mga pinahirapan at itinago sa lugar na di natin alam, silang mga biktima ng extra-judicial killings. Sapilitang pinalikas sa kanilang tirahan at napalayo sa kanilang pamilya. Silang nasadlak sa prostitusyon at pang-aalipin. Silang mga inosente at mga naghahangad ng kasagutan sa marami nilang katanungan, subalit walang nagpapaliwanag.Sa kanila ang sabi ni Jesus, “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nagpapagal at nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo’y pagpapahingahin ko” (Mateo 11:28).
Pinasan ni Jesus ang krus sa kagalingan nating lahat. Isang sagisag na tayo ay iisa, bahagi ng iisang katawan at diwang pumipiglas.Pasanin natin ang pinapasan ni Jesus na krus at sumunod sa kanya. Sa gayon, matutuklasan natin na tayo ay tunay na magkakapatid kay Jesu-Cristo na natututo sa kanya, na maamo at mababang-loob. Sa kapaaranang ito lamang maisisilang sa ating kalagitnaan ang bagong sangkatauhan.
Ang Bangka (the Boat) By Emman Jose
Nabuwal si Jesus at nadaganan ng pasan niyang krus. Siya ay patuloy na nabubuwal. Sa diwang ito, ipinapakilala sa atin si Jesus na hindi isang bayaning mananakop na nagdanas ng paghihirap. Siya ay isinilang bilang anak ng Diyos at anak ni Maria.Ordinaryong mamamayan sa maliit na dako ng Nazaret na nanguna sa sangkatauhan upang pagtagumpayan ang kapangyarihan ng kadiliman. Siya ay lumaking mapagpakumbaba kapiling ang ina nitong si Maria, amang si Jose, at mga kapatid. Lumago siyang kasama ang kanyang mga kaibigan at kapitbahay, at tinanggap ang bautismo sa ilog Jordan.
Kung saan ito yaong panahong narinig ni Jesus ang tinig na tumimo sa kanyang puso.“Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan!” (Mateo 3:17).Ang tinig na nagdala sa kanya upang matukoy ang kanyang pagkatao at dahilan ng pag-iral sa mundo. Ang tinig na nagsilbing sanggalang mula sa kahirapan, pagkainggit, at paghihiganti. Si Jesus ay nabuwal sa tabi ng krus upang hayaan maihayag ang ating mapagkumbabang pagkatao. Sinabi ni Jesus na huwag matakot na harapin ang ating mga kahinaan at labanan ito. Nais ni Jesus na ating matuklasan na sa likod ng mga pagtanggi at pag-iwan ng iba sa ating paninindigan ay naroon ang tunay at walang hanggang pag-ibig. Isang pag-ibig na nagmumula sa Diyos upang hindi hayaang nag-iisa ang kanyang mga anak.
Sa pagpasan ni Jesus ng krus patungong kalbaryo ay nakatagpo niya ang kanyang inang si Maria.Pinagmasdan ni Maria si Jesus sa kanyang mga mata at alam niya na ito na ang oras na sinasabi ng anak noong sila’y nasa Cana.Noong humingi si Maria ng tulong sa kanyang anak dahil nauubos na ang alak sa kasalang dinaluhan nila, ang tugon ni Jesus, “Ginang, hindi pa ito ang panahon ko” (Juan 2:4). Ngayon, ang paghihirap ni Jesus at pagdadalamhati ni Maria ay nagsanib sa isang malalim na pagka-unawa sa oras. Kung saan matutupad na ang pagliligtas ng Diyos para sa kanyang bayan. Hindi magtatagal, tatayo si Maria sa paanan ng krus at itatagubilin ni Jesus kay Juan, ang minamahal niyang alagad, ang kanyang ina. At ito nga ang naganap, nang makita ni Jesus ang kanyang Inang si Maria, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!”At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina”(Juan 19-26-27). Ang pagdadalamhati ni Maria ay hindi lamang para sa kanyang anak na si Jesus, kundi maging sa lahat na mga anak na nagtitiis at naghihirap. Siya ay ina ng mga anak na biktima ng karahasan at panunupil.
Ang Paglalakbay Patungo Sa Aking Mga Pangarap
Tumayo si Maria sa paanan ng krus, tinititigan ang bawat isang natutuksong maghulagpos sa kinasasadlakang paghihirap upang maghiganti. Ang kanyang pagdadalamhati ay nagturo sa kanyang puso na maging isang pusong yumayakap sa lahat ng kanyang mga anak, saan man sila umiiral. Nag-aalay ng pagmamahal at pag-aaruga sa mga minamahal na anak. Ang daang tinahak ni Jesus ay daang patungo sa kailaliman ng mga pusong naghihirap. Patungo sa kalagayan ng mga abang pilit makahulagpos sa kahirapan upang danasin ang tunay na malayang pamumuhay. Ito rin yaong daang piniling tahakin ni Maria at ng marami pang Maria. Kung saan ang digmaan ay dumadating at umaalis, at bumabalik uli.Ang mga mapang-aping uri ay dumadating at umaalis, at babalik muli. Isang katotohanang nais sa atin ay mailinaw upang harapin at pagtagumpayan.
Sa gitna ng ating mga pagpupunyagi, manatiling panghawakan ang paninindigang kasama si Jesus. Ang hinagpis, ang mga luha ni Maria at ng marami pang Maria sa kasalukuyan, kasama si Jesus ay magsilbi nawang gabay natin at ilaw sa patuloy na paglalakbay tungo sa tunay na malayang lipunan.
Tayo ay laging abala, kaliwa’t kanan ang pinagkakaabalahan. Laging nakatuon sa lahat ng bagay na mabibili ng pera. Bihira lamang naiisip at nararamdamang tayo pala ay bahagi ng iisa, at tayo pala ay may kasama. Madalas hindi natin nakikita ang halaga ng pagsasama-sama, ng pagsasalo-salo, at ng pananalangin bilang isang pamilya. Hindi natin napapansin ang mga ngiti at ang panahong iginugugol ng bawat isang nagmamahal sa atin. Dahil sa sobrang pagkaabala sa mga bagay na inaakala nating higit na mahalaga.
Ang Marivelean 2016 2017 By Mark Anthony Ambrocio
Habang pasan ni Jesus ang krus, inutusan ng mga sundalo ang isang taong taga-Cyrene, na nagngangalang Simeon upang tulungan sa pinapasang krus si Jesus. Sapagkat halos di na nito kayang pasanin dulot ng latay at pagpapahirap na tinamo. Isang tagpo na naghahayag ng katotohanang kailangan tayo ni Jesus upang ipagpatuloy ang kanyang misyon. Kailangan niya ang bawat isa upang pasanin ang krus kasama niya at para sa kanya. Siya ay pumarito upang ituro sa atin ang daan patungo sa Ama. Siya ay pumarito upang alayan tayo ng bagong tirahan, pagkalooban