Paglalakbay ng Tao sa Kalakip na Kabutihan Mga Kaisipang Humubog sa Kasaysayan

Paglalakbay ng Tao sa Kalakip na Kabutihan Mga Kaisipang Humubog sa Kasaysayan

Ang pananampalataya ng bawat indibidwal na IGLESIA NI CRISTO  ay nahahayag kung ano ang kanyang iniisip. Nailalarawan niya ito sa pamamagitan ng kanyang mga gawa at kung paano niya na rin ito naipahahayag. Dahil sa kanyang labis na pananalig at matinding pananampalataya udyok ng pag-ibig ay naipadarama niya ang kanyang mabuting layunin at nararamdaman ito ng kahit isang baguhan pa lamang na hindi pa siya nakikilalang lubos. Pawang nakakaaliw sa pandinig ng PANGINOONG DIYOS at ng ating Panginoong Jesu-Cristo ang namumutawi sa bibig ng isang lingkod ng PANGINOONG DIYOS na ganap na sumasampalataya sa lahat ng magagawa NILA. Kaya naman napahihintulutan ng DAKILANG AMANG BANAL at ng Panginoong Jesu-Cristo na isugo ang Banal na Espiritu upang lalo pang makapagdulot sa KANILA ng Kapurihan, Kaluwalhatian at Kadakilaan  ang ginagawa ng mga Hinirang na kinalulugdan NILA.

Kaya ang isang mananampalataya… positibo ang laging pananaw sa mga nangyayari at hindi kayang tinagin at gibain ng anumang kasinungalingang pang kaway ng diablo upang dayain ang hinirang at linlangin ang tao, na sa pasimula ang ibig ay pawang kaguluhan. Kaya naman tinatalunton niya, pinupuntahan yaong may mga kinikimkim na sama ng loob. Doon siya namamahay at naglalagi at ang kawawang nabibiktima niya, ay napapasama at nagagamit niya ang kahinaan nito bilang tao. Ang mga taong ito ang kanyang madaling nalalansi.

ModyulHumubog Sa Kasaysayan title=Modyul 9 style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcS1mCLK3tsjEk0kYuyKNIdmTYr-PhQPep-1e4nnUddGGZa0FPTWy7rCd7-khRZdk6GC8dU&usqp=CAU'; />

Batid natin, hindi kaila sa simula pa, ang trabaho ng diablo ay diktahan ang sinumang maibigan niyang tuksuhin upang pigilan o kontrahin ang Kagandahang-loob ng PANGINOONG DIYOS natin, na ang pangunahing tinukso noon sa Panahon ng Magulang ay si Eva hanggang sa naibuyo ang kanyang asawa na si Adan na nagkasala na rin. Marami na sa atin ang nakaaalam nito, kung paano nagkasala ang unang tao. Lamang kung bakit natin binabalikan ito, sapagkat may nais ipapuna sa atin ang PANGINOONG DIYOS natin na nagpapakilala sa katusuhan ng diablo. Dahil diyan mapag-uunawa natin ang pamamaraan ng diablo upang ang lahat ay makapag-ingat. Kaya aalamin natin kung ano ang gamit niyang madalas na pananalita. Magpasimula tayong magbasa sa;

Edukasyon Sa Pagpapakatao

GENESIS 3 : 1 – 5  BMBB  1 Ang ahas ang pinakatuso sa lahat ng hayop na nilikha ng Panginoong Yahweh. Isang araw tinanong nito ang babae, “Totoo bang sinabi ng Diyos na huwag kayong kakain ng anumang bungangkahoy sa halamanan?” 2 Sumagot ang babae, “Maaari naming kainin ang anumang bunga sa halamanan, 3  huwag lamang ang bunga ng puno na nasa gitna niyon. Sinabi ng Diyos na huwag naming kakainin ni hihipuin man ang bunga nito; kung kami raw ay kakain nito, mamamatay kami.”4 Ngunit sinabi ng ahas, “Hindi totoo iyan, hindi kayo mamamatay!” 5 “Sinabi lang iyan ng Diyos, sapagkat alam niyang kung kakain kayo ng bunga niyon ay makakaunawa kayo. Kayo’y magiging parang Diyos at malalaman ninyo ang mabuti at masama.”

Mga mahal kong kapatid sa pasimula pa lang napakabuti na ng ating PANGINOONG DIYOS. GENESIS 2 : 1 BMBB  1 Nilikha nga ng Diyos ang langit at ang lupa at ang lahat ng bagay na naroroon.  Nilikha niyang walang kasiraan. Walang maipipintas. Nilalang ng PANGINOONG DIYOS ang lahat ng bagay  na wala ng kakulangan na ang unang tao ang saksing-buhay sa napaka-Dakilang kabutihan at pag-ibig ng PANGINOONG DIYOS. Saan sila unang pinamalagi ng ating PANGINOONG DIYOS? GENESIS 2: 15-17 BMBB  15 Inilagay ng Panginoong Yahweh ang tao sa halamanan ng Eden upang ito’y pagyamanin at pangalagaan. 16 Sinabi niya sa tao, “Makakain mo ang alinmang bungangkahoy sa halamanan, 17 maliban sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Huwag na huwag mong kakainin ang bungang iyon, sapagkat sa araw na kainin mo iyon ay mamamatay ka.”  

Ang tao naman naipakikilala mga kapatid na hindi talaga kuntento, mapaghanap kaya nakagawa pa ng paglabag sa bilin na kabawalan dahil sa pang-uupat ng diablo panghihikayat kay Eva. Natuksong kainin ang bunga ng punong kahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Hanggang pati na si Adan ay nahikayat niya na kumain na rin at ito nga ang sanhi ng unang pagkakasala ng tao sa PANGINOONG DIYOS. Ito na rin ang unang kamatayan ng tao sa Espiritual. Namatay ang kanilang karapatan na manirahan sa Halamanan ng Eden. Kaya itinaboy sila sa labas ng Halamanan ng Eden.  Sa panahon naman natin ay katumbas ng itiniwalag o kinalagan sa karapatan na inilabas sa Iglesia ni Cristo.

Edukasyon

Made By Yas: Do Not Share This With Your Friends, Just Kindly Refer Them To My Service. Thank You!

Makatwiran at makatarungan ang naging pagpapasya sa kanila kung lalawakan natin ang ating pag-iisip, dumaan sila sa tamang proseso bago sila inalis sa Halamanan ng Eden. Pinaalalahanan muna sila na huwag na huwag kakainin ang bungang iyon. Pansinin na inuulit-ulit na “huwag na huwag” na ang ibig sabihin ay mahigpit na ipinagbabawal ng PANGINOONG DIYOS subalit kapwa sinuway nila. Mahinahon silang kinausap ng PANGINOONG DIYOS sa halip na magsising-lubos ay nangatwiran pa ang tao at sinisi pa ni Adan ang PANGINOONG DIYOS at sinisi naman ni Eva ang diablo, kaya inilapat ng PANGINOONG DIYOS ang makatarungan at marapat na pagpapasya. Kaya ang PANGINOONG DIYOS ang pinaka-mabuting naglalapat ng hatol at pagpapasya.  Marapat lamang na sa KANYA sumasangguni sa ating kapanahunan ngayon sa gayun ay maipamagitan naman ng ating mahal na Panginoong Jesu-Cristo  at sa udyok ng Banal na Espiritu sa kinauukulan mabibigyan matuwid na pagpapasya para mailapat ang makatwirang pagtitiwalag na naayon lahat sa Kalooban ng DAKILANG PANGINOONG DIYOS natin na pangunahing nagbigay ng halimbawa ng pinaka-makatwirang pagtitiwalag.

Mga mahal kong kapatid, atin namang kilalanin ang diablo sa talatang ating sinipi sa itaas na bahagi na ating nabasa. Ang diablo na masuwayin at taksil sa ating PANGINOONG DIYOS sa tagpong ito ay ano ang mapagkakakilanlan natin sa kanya? Tulad ng ipinaunawa Pinakatuso! Mapagmataas sapagkat gusto niyang higitan ang PANGINOONG DIYOS sa pagpapasya. Napansin niyo ba mga mahal kong kapatid kung ano ang mga salitang malimit gamitin ng diablo? Mga salitang may pag-aalinlangan, negatibo ang kanyang kaisipan, likas siyang sinungaling at mayabang o palalo. Tulad ng “Totoo bang sinabi ng Diyos na … ” “Hindi totoo iyan, …”   “hindi kayo mamamatay” “Sinabi lang yan ng Diyos …” ” Kayo’y magiging parang Diyos …” Ang mga salitang ginamit sa pagkontra sa sinabi ng PANGINOONG DIYOS, at pagtutol sa Salita ng PANGINOONG DIYOS ang ginagamit ng diablo para linlangin niya ang mga kumilala na sa PANGINOONG DIYOS, subalit dahil sa mapaniwalain yaong kapatid ay nadaya pa rin.

ESP

Ang katusuhang yan ng diablo hanggang ngayon ay ipinandadaya niya sa mga lingkod ng PANGINOONG DIYOS na mapaghanap pa na hindi kuntento kung ano ang ipinagkaloob na sa kanila. Ngunit mayroon pang ibig sa ating ipaunawa… nang nangungusap ang diablo kay Eva ginamit niya ang sinalita ng PANGINOONG DIYOS. Basahin muli ang talatang 5 “Sinabi lang iyan ng Diyos, sapagkat alam niyang kung kakain kayo ng bunga niyon ay makakaunawa kayo. Kayo’y magiging parang Diyos at malalaman ninyo ang mabuti at masama .”totoo yung sinabi niya kaya lang may dagdag. Pamamaraan niya rin ang magsabi ng totoo kaya lang humihigit sa Katotohanan.

Lmespq34v1 0 130302081955 Phpapp01 (1)

Ano nga ba ang naging pahayag ng PANGINOONG DIYOS na dinagdagan ng diablo? GENESIS 3 : 22 BMBB   22 Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Yahweh, “Katulad na natin ngayon ang tao, sapagkat alam na niya ang mabuti at masama. Baka pumitas siya at kumain ng bungangkahoy na nagbibigay-buhay at hindi na siya mamatay.”23 Kaya, pinalayas niya sa halamanan ng Eden ang tao upang magbungkal ng lupang kanyang pinagmulan. Inaalam natin kung ano ang pahayag ng diablo kay Eva   “Kayo’y magiging parang Diyos at malalaman ninyo ang mabuti at masama” Ano naman ang sinabi ng PANGINOONG DIYOS? “Katulad na natin ngayon ang tao, sapagkat alam na niya ang mabuti at masama. Napagwangis na natin ang kapwa ipinahayag. Malinaw na hindi sa kalikasan magiging katulad. Eh saan magkakatulad? Gaya ng saktong pahayag “sapagkat alam na niya ang mabuti at masama, .”   Ganyan ang katusuhan ng diablo dinaragdagan ang Katotohanan at hinihigitan pa kapag ang nais ay mapasama ang iba. Ibig lang niyang idamay ang tao sa kasamaaan ng pag-iisip niya.   Gumagamit ng mga kasinungalingan, mga nakamamatay na termino sa isang sumasampalataya. Palibhasa siya man ay sumasampalataya din sa PANGINOONG DIYOS at nanginginig pa. SANTIAGO 2 : 19   BMBB 19 Sumasampalataya ka na ang Diyos ay iisa, hindi ba? Mabuti iyan! Ang mga demonyo man ay sumasampalataya rin, at nanginginig pa.  Kaya naroon man ang pagkilala niya sa PANGINOONG DIYOS ginagapang naman niya ang totoong mga sumasampalataya sa PANGINOONG DIYOS natin. Hinihikayat niya na siya ang paniwalaan siya ang dapat na pakinggan … nakapanghihikayat dahil pawang sinalita ng PANGINOONG DIYOS ang ginagamit din. Lamang, naipagkakanulo siya kung ano ang tunay na motibo dahil sa taliwas na paliwanag na dinadagdagan ng mga kasinungalingan kahit may bahaging katotohanan ang sinasabi nawawalan na ng saysay. Subalit sa panig ng mga mahihina ay naililihis ang mga Katotohanan na tinanggap na nila at sila ay napapaniwala pa niya. Nakaaakit talaga ang diablo dahil waring nagmamalasakit ngunit ang layunin ay hadlangan ang mga Katotohanan at udyukan ang mga sumasampalataya upang alisin ang pagkilala at ibaling na sa kanya ang paniniwala. 

ESP

Subalit ang may malinis na puso at kalooban bigung-bigo ang diablo.  Tuksuhin man niya sa anumang paraan ay hindi niya matitinag at magigiba ang matibay ng pananampalatayang nakasalig sa tulong

LihatTutupKomentar