Nobelang Timawa Isang Paglalakbay sa Kultura at Katalinuhan

Timawa- isa itong uring panlipunan na katumbas ng “Malayang tao” sa panahon ng mga maharlika. Ang mga Timawa ay kadalasan kasama ng datu sa kaniyang mga gawain. Mataas sila kaysa mga alipin ngunit sinasabi na sila ay maaaring anak ng datu sa isang alipin o kaya’y sa kabit nito at sa ganung estado wala silang karapatan magmana ng kayamanan kung hindi loloobin ng datu. Sa pagdating ng mga mananakop, nag-iiba ang kahulugang kinakatawan nito, nag-iiba ang larawang bitbit nito. Mula sa kahulugan na “Malaya”, ito ay naging “Dukha” o salat sa halos lahat ng bagay pisikal, intelektuwal at pag-aari. Mahusay ang pagkagamit ni Fabian sa anyong ito ng kanyang nobela at idagdag pa ang iba pang isyung panlipunan kagaya ng digmaan, diskriminasyon ng ibang lahi at kalahi, Kultura ng elitismo at lubhang kasalatan ng mga pangunahing pangangailan lalo na sa medikal na aspekto Pangunahing tauhan ng Nobela Si Andres Talon, na tinaguriang timawa ngunit likas sa kanya ang pagiging matalino, masipag at mabuti. Sari-saring pagbabanat ng buto ang ginawa sa Amerika para makamit ang kanyang mga ninanais Siya’y naging tanyag na doctor at nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang pandaigdig naging isa ring tanyag na sundalo. Sa kanyang pagbabalik sa sariling bayan, paghihiganti sa mga taong sa kanyang uri’y dumapurak ang kanyang hatid at sa huli’y pagsasakatuparan ng kanyang mga plano. Ang matulungan ang kanyang mga timawang kababayan. Lubos umikot ang kuwento sa mga tunggalian at pakikipagsapalaran ng mga tauhan sa isa’t-isa. Sina Alice at Bill na mga Amerikano, Estrella at Alfredo na mga Pilipino. Isang napakagarang pagkakawing-kawing ng kanilang landas ang nangyari na nagpapakita ng samu’t saring kahulugan mula pagkakaibigan, pagkakaaway at tungo sa tunay pag-iibingan. At sa lipunan naman, ang pagsasakatuparan ng maliit na ambisyon, walang iba ang makatulong sa kapwa ng walang hinihinging kapalit. Lahat sila ay nadala ng kapalarang si Andres lamang ang gumuhit. Ang kuwentong ito’y nagpapakita ng katatagan ng katauhan at pagiging tapat sa layon sa kabila ng mga suliranin na hindi inaasahan. At sa huli’y pagtubos sa dangal at pagtatagumapay ang hatid. Lubos ko ding nagustuhan ang takbo ng naratibo sa nobelang ito at ang magaling na pagsasa-ayos ng mga pangyayari at problemang hindi inaasahan. Maging ang nakaka-aliw at masalimuot ngunit matatalinong karakter ng mga tauhan ang mas lalong nagpatingkad sa kuwento. Ang nobela ring ito ay repleksyon sa sistema ng ating lipunan noon at hanggang ngayon. Marapat na basahin ang nobelang ito sapagkat ang mga napaksa dito’y patuloy pa ring nangyayari at patuloy na magkakaroon ng halaga sa atin bilang mga Pilipino sa loob at labas ng ating bansa. Pinupuri ko si A.C. Fabian para sa napakagandang obra niya para sa Panitikang Pilipino

Kay tagal kong binasa ang klasikong aklat na ito. Klasiko dahil ito ay lumabas na serye sa Liwayway noon bang 1951 pero heto ngayon, 2015 at patuloy pang binabasa ng mga tao. Maaring sabihin na required reading ito kaya fully stocked pa sa mga National Book Store branches. Pero bakit isina-suggest na basahin ng mga guro? Dahil ba nagpasalin-salin lang at naging kalakaran? Inisip ko dati, baka nga. Nakatamaran lang ng mga guro na magisip pa ng ibang aklat. Pero noong matapos kong basahin, hindi pala. Maraming laman ang aklat na maaaring kapulutan ng mga insights hindi laman sa panahong una (panahon ng WWII sa Pilipinas) kundi panahon din na marami pang Pilipinong naga-aral sa Amerika, mayayaman man o hindi, dahil itinuturing na ang mga mahuhusay o world-class na paaralan ay sa Amerika lamang matatagpuan. Natagalan ako sa pagbasa nito dahil sa malaking epekto sa akin na yong mga amerikanong tauhan ay parang katutubong Pilipino kung magsalita. Sana may mag-edit nito at gawing english-speaking ang mga tauhang iyon para mas maging makatotohanan ang paglalahad. Yon ding gasgas na gasgas na paggamit ng amnesia bilang twist sa kuwento. Maganda at di pilit yong elementong iyon dahil si A. C. Fabian ay isang mediko o doktor kaya maingat at may timpi ang pagkakalarawan kay Andres bilang isang taong may sakit na limot. Siguro rin, noong 50's di pa rin masyadong ginagamit ang twist na yan kayang marami pang natutuwa. Pero kung sa plot lang, mayaman ang nobela. Kuwento ito tungkol sa isang mahirap o middle class na binata, si Andres o Andy na sa simula ng nobela ay taga-hugas ng pinggan sa isang restawran sa Amerika kung umaga at medical student sa gabi. Kasama niya sa ganoong sitwasyong ang dalawang batang Amerikano na sina Bill na roommate rin niya at si Alice. Si Andres ay tinatawag na timawa. Sabi sa introduksyon ni Liwayway Arceo: Ang timawa ay isang taong dukha, hamak. Siya ang kalimitan ay nagninilbihan sa masalaping kapitbahay, at maaaring isang alilang-kanin upang di sumala sa oras, hindi malipasan ng gutom. Ngunit higit sa lahat, siya rin ang taong nakalaya sa pagkakaalipin dahil sa sariling pagpupunyagi.Sa kahulugan pa lang ng timawa, alam mo na kung anong klaseng buhay ang meron ang pangunahing tauhang si Andres: buhay na totoo at sa dulo'y magtatagumpay siya mula sa kahirapan at pakikipagsapalaran sa Amerika. Hindi na nakakapagtakang binabasa ito ng mga guro at nire-require na basahin ng kanilang mga estudyante. Nakakatuwa lang. Nabasa ko na ang Timawa na dati'y naririnig ko lang kay Dra. Ranee haha.

This is the first Filipino novel that i've read. Timawa means a low form status of a person, i think it came from the spaniards, i'm not really sure. It's a very dark novel, it depicts the reality of life. Fabian dig in the solitude, angst, and circumstances of the Filipinos way back then. The protagonist of the story wants to be a doctor and i think he became one but he has to go on a lot of challenges just to fulfill his dreams. i can even remember he tried to sell himself on rich old ladies for a night in order to have money. So he traveled on different parts of the country and i think even abroad. This novel made me realize that everything comes with a prize, if you want something, you should want it big. You can't just do something just for fun because the real world has no place for jokes. If passion, perseverance, and faith is within you, no matter how many people are bringing you down, no matter how long the road is, no matter how hard the consequences may be if you have those qualities. NOTHING CAN STOP YOU. not even yourself.

Bahagi Ng Pananalita

Nakakalungkot isiping unti-unti nang naglalaho ang maituturing na mga dyamante ng panitikang Pilipino. Tuluyan na tayong nasakop ng kulturang banyaga. Nabubura sa ating pagkatao ang mga babasahing tulad nito. Sinubukan ko itong basahin, sang-ayon na rin sa sinabi ng aking guro na ito'y maganda. Sa totoo lang, bihira akong nagbabasa ng mga nobelang Pinoy. Unang-una, hindi ko alam kung kanino ako hihiram. Pangalawa, hindi ko talaga ito tipong basahin. Nagbago ang tingin ko sa mga nobelang Pinoy nang mabasa ko ang Timawa. Natutunan kong mahalin ang mga tauhan at tinrato ko silang tunay na tao. Sa kabila ng pagiging mabuti ay di maitatangging may taglay din silang hindi kaaya-aya. Maganda ang naging takbo ng istorya. Gusto ko kung paanong inilarawan ng may-akda ang digmaan. Lubos kong naunawaan ang uri ng buhay na mayroon ang nga Pilipino sa panahon ng digmaan. Sa gitna ng mga bomba at naglalahong gusali, nanatili ang pag-ibig. Nanatili ang pagnanais ni Andres na tulungan ang kanyang mga kababayan. Dito ko napatunayan kung gaanong tunay na maipagmamalaki ang lahi ng mga kayumanggi.

M g a p u n a : — mahusay si fabian sa pagkakagawa niya sa pangunahing tauhang si andres—matibay ang prinsipyo nito at may sapat na ipinaglalaban bilang isang tao. napakatikas niya rin at matinik sa mga babae. kunsabay, sino ba namang hindi mahuhulog sa lalaking tulad niya—matalino na, madiskarte pa sa buhay. kaya gano'n na lamang ang pagkasabik kong tapusin ang librong ito. — kakulangan ng representasyon. karamihan sa mga eksena sa librong ito ay naganap sa bansang amerika pero lahat ng mga tauhan, maliban sa mga filipino, ay puti—base sa aking pagkakatanda. mayroong isa, si petunia, isang itim, pero hindi nabigyan ng sapat na paglalarawan at siya'y pinakilala sa kuwento bilang isang alalay. masasabi kong ang 'timawa' ay lubhang kulang ng sapat na representasyon lalo pa't nasa amerika sila—isang bansang may malawak na kultura at samu't saring racial identity. — napataas din ako ng kilay sa pangungusap na ito, “ang pangyayaring ang isang dalaga (alice), puti pa naman, ay naglilingkod sa mahihirap sa isang nayon ay hindi malilihim.”— timawa, a.c. fabian (pg. 231). paulit-ulit ko itong binasa. puti pa naman? ano'ng ibig sabihin ng manunulat? na walang lugar ang mga puti na manilbihan sa mahihirap bagkos sila lang dapat ang pinagsisilbihan? o baka masyado ko lamang itong binigyan ng ibang kulay? kung tama ang aking pagkakaintindi, lubhang pagsamba naman yata iyon sa mga puti. — hindi ako maalam at mahusay manaliksik sa mga kontekstong nakapaloob sa mga akdang klasiko. ito'y nararapat lamang na pagtuunan ng pansin upang mas maintindihang mabuti. kaya handa akong may pumuna sa aking rebyu at ilatag sa akin ang kanilang

LihatTutupKomentar