Mga Laban sa Lipunan Kabayanihan at Kamalayan sa Bawat Yugto

Mga Laban sa Lipunan Kabayanihan at Kamalayan sa Bawat Yugto

You Are Here: Home → 2021 → June → 14 → Kabayanihan ng Moro at katutubo: Pagpupugay sa kanilang malayang komunidad sa harap ng kolonyal na paghahari ng Espanya sa Pilipinas

“In his defence of the religion and customs of Islam against the priests of Spain, the Moro set a new historical precedent. He survived. His religion survived. The Mayas, the Aztecs and the Incas fell before the Toledo steel of the Spaniards, and their language and institutions perished with them…their temples were destroyed and their literature burned by over-zealous bishops of the Romish church. Not so with the Moros; sturdy and intact, their religion still flourishes on the shores of Sulu. The conquistadores came, fought vainly, and retired. The Moros remain. As fighting men, they take first rank in the pages of martial history. It is as fighting men that we should judge them.” – Vic Hurley, “Swish of the Kris: The Story of the Moros” (1936/2010 edition)

KabayanihanLaban Sa Lipunan Kabayanihan At Kamalayan Sa Bawat Yugto title=Kabayanihan Ng Moro At Katutubo: Pagpupugay Sa Kanilang Malayang Komunidad Sa Harap Ng Kolonyal Na Paghahari Ng Espanya Sa Pilipinas style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSUUMLfspgax1vRGN35ys-9ZH5rjdqNovantCNYmHGocp1MNytf4OlPA3rlqw4Xkbw6rqQ&usqp=CAU'; />

ISA SA PINAKAMALAKING IMBENSYON ni Rodrigo Roa Duterte noong 2016 eleksyon para presidente ay ukol sa sinabi niyang meron siyang mga ninunong Moro na Maranao. Ito ay pinasinungalingan ni Earl Parreno, na may-akda ng pinaka-komprehensibong talambuhay ni Duterte. Sa kanyang aklat na pinamagatang “Beyond Will and Power’, ininterbyu ni Parreno ang halos lahat ng mga kamag-anak ni Duterte pati matatandang kamag-anak ng ama at ina niya, at ni isa ay walang nagsabi na siya ay may dugong Maranao o Moro. Sa katunayan, tubong Leyte at Cebu ang magkabilang pamilya ng kanyang ama at ina.(Parreno, 2019) Ang imbensyon na ito na pinalaganap noong 2016 kampanya ay marahil ginawa upang gamitin ang hinahangaang katapangan at kabayanihan ng mga Moro na binanggit ni Vic Hurley sa kanyang aklat, Swish of the Kris.(Hurley, 1936) Sa kanyang 2016 na pangangampanya para presidente dinetalye pa ni Duterte na ang kanyang lola ay Maranao at meron daw siyang mga apo na Tausug! (MindaNews, May 15, 2016) Inihabol pa rito ang isa pang walang-katibayang imbensyon ng alalay ni Duterte na si Bong Go na si Lapu Lapu ay isang Tausug na pinadala ng Sultan ng Sulu upang harangin ang mga Kastila sa Mactan. Kaya ang pinapahiwatig ni Bong Go ay, kung si Lapu Lapu ay Moro, gaya ng ibinibida ni Duterte para sa sarili, sila ay matatapang. Parehong imbensyon ng mga pulitikong gustong umangkas sa katapangan ng Moro.

Dr. Jose Rizal

Ngayong 2021 selebrasyon natin ng Araw ng Kalayaan, sa taon ng Quincentennial o 500 taon mula nang dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, bakit tila hindi natin kinikilala ang MATAGUMPAY NA PAGDEPENSA ng ating kababayang Moro at Katutubong Pambansang Minorya para sa lupaing ninuno at kalayaan? Ito marahil ay dahil ang ating kinikilalang naratibo ay puno pa rin ng dominanteng naratibo ng mananakop. Binubulag tayo sa naratibo nila na ang 1521 ang pinaka-suwerteng pangyayari sa ating kasaysayan sapagkat tayo’y nabinyagan ng Kristiyanismo at nakatikim ng sibilisasyon na dala ng mga Kastila sa ating kapuluan. Nakakalimutan natin na ang relihiyon ay ginamit na sandata sa “ispiritwal na kolonisasyon” upang mahati tayo at upang mapalakas ang dominasyon ng Espanya sa ating mga komunidad. Sinakop nito ang ating mga isip (at kaluluwa) upang huwag hamunin ang pang-aapi, maging tapat sa Espanya at ituring na mga pirata ang mga lumalabang mga komunidad ng Moro at katutubo na di-magapi sa kanilang pakikibaka laban sa kolonyalismo. Ang kumbersyon sa relihiyon ng Espanya ay mistulang naging bahagi ng kolonyal na pasipikasyon ng ating mga komunidad at kapuluan.

Lalo na sa mga tinarget na “kaaway” na Moro, ang imaheng ipinalaganap ay mga masasamang tao sila, mga ‘Juramentadong’ nagwawala at amuk, “feroces” na “hereje” at mga pirata at bandido.(Ugarte, 1992) Nakakalungkot nga na ang opisyal na pagdiriwang ng Quincentennial ay nagmamaliit sa matagumpay na pakikibaka ng Moro at Katutubo. Tila tinatanggap at pinagdiriwang din – na walang kritikal na pananaw – ang Kristiyanismo bilang ispiritwal na kolonisasyon at instrumento ng pananakop sa ating kapuluan. Di ba tayo sinakop ng Kastila gamit ang kanilang mga espadang gawa sa Toledo at kanilang mga Krus? Ang kumpletong istorya ay hindi lahat ng ating komunidad ay nasakop sapagkat naharang ang dayuhang mananakop ng mga Kris, Kampilan at Lantaka ng mamamayang Moro. Ang pinagyayabang na “Sword and the Cross” na pananakop ay sapilitang kilalanin ang hari ng Espanya bilang “vice real patron”. Dahil, binasbasan daw ng Diyos upang mamuno ang hari ng Imperyo. Ngunit ito’y hindi tinanggap ng maraming nanatiling malalayang komunidad ng Moro at katutubo. Pagkat naging matagumpay silang lumaban sa dayuhang mananakop. Kayat ang istorya ng Moro at katutubo ay istorya ng tagumpay sa pagdepensa sa katutubong lupa, kalayaan at kabihasnan.

Panahon na upang alamin natin ang ugat ng tunggalian at hindi pagkakaunawaan sa matagal na panahon ng mga Muslim at Kristiyano sa ating bansa. Pangunahing layunin ng sanaysay na ito na kilalanin ang makasaysayang pakikibaka ng Moro. Binibigyan din natin ng pagpupugay ang kanilang mga malalayang komunidad na matagumpay na lumaban sa buong panahong kolonisasyon ng Espanya sa Pilipinas mula 1521 hanggang 1898.

Kabayanihan

Filipino Grade 9 Lm Q3

Noong ika-16 na Siglo, sinakop ng mga Kastilang kolonisador ang Visayas at Luzon, ngunit hindi nila masakop-sakop ang Mindanao na kontrolado ng mamamayang Moro. Gayundin ang ilang mga erya ng Luzon at Visayas kung saan naninirahan ang mga katutubo. Sa mga lugar na kanilang matagumpay na sinugpo at sinakop, ang mga Kastila ay nagpalaganap ng isang uri ng sistemang diskriminasyon na nagkakategorya sa mga tao sa ating kapuluan bilang negritos, Indios, Mestizo de Sangley at Mestizo de Espanol. Habang ang mga hindi nila masakop na Muslim ay tinaguriang mga “Moro”.

Ipinatupad sa Pilipinas ng Espanya ang kaparehong mga kolonyal na patakaran na ginamit nila sa Central at South America, na may isang sentral na kolonyal na administrador -ang Gobernador-Heneral sa Pilipinas. Sa dekretong El Requerimiento ng 1531, ang mga nasa islang kolonyal ay kinailangang mabinyagan sa Katolikong pananampalataya o may kaparusahang na magiging mga alipini o hahatulan ng kamatayan kung lalaban. Ang mga ekspedisyong militar ng Kastila ay kanilang sinabayan ng mga misyong pangrelihiyon na gamit ang Doktrinang Regalian upang ideklara na ang mga lupain at mga taong di-Kristiyano ay gagawing pagmamay-ari ng Hari ng Espanya. (Guingona, 1981)

ACF

Ang pundamental na batayan ng mga ganitong kolonyal na patakaran ay ang Papal Bull ni Papa (Pope) Nicholas V, ang “Dum Diversas”( Hunyo 18, 1452), na nagbigay ng basbas sa mga Kristiyanong Kaharian sa Yuropa, simula sa Portugal at Espanya, ng “ganap at malayang kapangyarihan at karapatan na maghanap, magdiskubre, sakupin at gapiin ang lahat na tinawag nitong mga “kaaway ni Kristo.” Ang Ediktong ito ay nagbigay pa ng direktiba sa mga Yuropeong kaharian na “pamunuan ang mga kaaway ni Kristo at isailalim sa kanilang

Balagtas: Florante At Laura–isang Pagbasa Ni E.san Juan, Jr.

Paghahari at pananakop.” Bukod dito, ang iba pang direktiba o Papal Bulls mula sa Vatican ay ang Romanus Pontifex (ni Pope Nicolas V, 1455), at ang Inter Caetera (ni Pope Alexander VI, 1493), na naglinaw pa sa patarakang ito ng pandaigdigang pananakop at habang-buhay na pang-aalipin sa ngalan ng Diyos. Ang mga Papal Bulls na ito na naging ubod ng pandaigdigang batas sa Yuropa, ay patuloy pa ring itinuturing na ginagamit o kinikilala ng mga batas sa Amerika, Canada, U.K. at Australia, bilang Doctrine of Discovery, o ang Regalian Doctrine ng ilang bansa para sa pagresolba sa mga isyu ng lupang ninuno.

Mga

Ang “Dum Diversas” ay pinalaganap ng Vatican sa paniniwalang ang mga Kahariang Kristiyano ng Yuropa ay ang mga bagong “piniling mamamayan ng Diyos”, at ang bagong “Promised Land” ay ang Hindi-pa Kristiyanong parte ng mundo. Ayon din dito, ang mga bagong piniling mamamayan ng Diyos ay kinakailangang sumunod sa bagong Covenant: na ang buong hindi-pa-Kristiyanong mundo ay tungkulin nilang sakupin at ipasailalim sa doktrinang Kristiyano habambuhay. Gayundin, ang lahat ng masasamsam nila sa gera at prutas ng tagumpay ang siyang magiging gantimpala sa kanila ng Diyos. Para ipatupad ito, ang Korona ng Espanya ay nagpalabas ng El Requerimiento 1531 na nagsuma ng Papal Bull. Ito ay binasa sa mga tao bago lumarga ang kanilang mga ekspedisyon para sa pananakop.(Scott, 1972)

Pangunahin sa mga patakaran ng Espanya sa pagpapatupad ng Papal Bull na ito ay ang kanilang brutal na sistemang Encomienda. Sa katunayan, sa unang 30 taon ng okupasyon ng Espanya sa ating kapuluan, halos 35 porsiyento ng populasyon ay namatay dahil sa mga karahasan at sakit na dulot ng mga Kastila. May isang pagtantiya na nagsasabing halos 50 porsiyento ng populasyon noong 17th Siglo ang napinsala, at ito ay naka-rekober lamang nang alisin ang sistemang Encomienda. Mga mapang-aping kolonyal na patakaran ay pinatupad tulad ng Polo y Servicio o sapilitang pagtatrabaho, at ang sistemang Bandala na nagpumilit sa mga magsasaka na ibenta lahat ng kanilang sobrang ani sa mga Kastilang awtoridad sa napakababang presyo.

Araling

October 26, 2015 Bulgar: Boses Ng Pinoy, Mata Ng Bayan

ANG PAGDATING NG ISLAM sa mga pulong dagat ng Southeast Asia ay nagsimula noong panahong tinaguriang “Golden Age” ng Islam. Sa panahong ito, maraming Muslim sa iba’t ibang Arabong bansa at hilagang Aprika ay nagkaisa at napaatras at napalaya nila ang maraming lupain na kontrolado ng imperyong Romano at Persian, at isinailalim sa kontrol ng mga Muslim na caliphates (sa imperyong Umayyad at Ottoman). Na-kontrol nila ang mga pandaigdigang daungan na ginagamit ng mga mangangalakal na taga-India sa matagal na panahon. Ang

LihatTutupKomentar